<body>


Sunday, August 23, 2009

Nakapaghihintay, laging pinupuri
"Ito ang pag-ibig", sabi sa sarili.
Dalawang taon na, ika'y namalagi
Dito sa puso kong lagi na lang sawi.
Ang iyong pagdati'y hindi sinasadya
walang may'rong plano, o kaya'y nagtakda.
Landas ko'y binago, tuluyang iniba
Mundo'y lumiwanag, napuno ng saya.
Ngunit bakit nga ba, nahulog sa iyo?
Anong mayroon ka't nabihag mo ako?
Araw man o gabi, laman ng isip ko,
'Pag di nakikita, 'di na makakibo.
Alam kong 'di tama, pagsintang ito
Ako'y tagahanga, ikaw ay idolo.
Hanggang tanaw na lang, laging sa malayo
Dinggin sana itong, panaghoy ng puso.



Labels: , , ,


...sands of time, 3:59 AM.

Ganda ng tagsibol, hangin ay sariwa
Tayo'y magkasama, tayo ay masaya.
Lahat ay nawasak, sa 'sang kisapmata
Ako ay nagising, mata'y lumuluha.

"'Di na pala tayo," ito'y naisambit
Nang ako'y iniwan, taglagas sumapit.
Kamay kong hawak mo, biglang binitawan
Misteryo sa lihim, walang kasagutan.

Puso'y nagdurugo, sa 'yo'y sumasamo
Ako'y naging tapat, bakit ka naglilo?
Sa 'king kaibigan, tingin mo'y napako
Nang ika'y mawala, mundo ko'y naglaho.

Ako ay namulat, hindi kalaunan
Pag-ibig mo'y wagas, ito'y natuklasan.
Sa iyong paglisan, buhay nadugtungan
Ako...ako pala..ang naging dahilan.




Labels: ,


...sands of time, 3:51 AM.

Profile

◙ PROFILE 101
18, BS Nursing
A Certified KPOP fangirl
◙ Tagboard
place tagboard code here. max width=130.
get one from cbox!
◙ Wishlist
BITC3
▪ SS4
▪ Trip to S. Korea^^
◙ Detours
facebook
kpopsaege
me2day
multiply
tumblr
twitter
◙ Reset
May 2009 August 2009
◙ Thanks to
designed by lil.queens
photos: bexidaisy on DA
host: imageshack & imeem
inspiration & lyrics: TLG
title script source unknown.